Nasa 12 sugatan sa aksidente sa Zamboanga

Jewel Reyes, ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2019 07:37 PM

Iniwan ng tumakas na driver ang truck na bumangga sa jeep na ikinasugat ng nasa 12 pasahero sa Zamboanga City. Jewel Reyes, ABS-CBN News

Nasa 12 katao ang sugatan matapos na banggain ng isang truck ang sinasakyan nilang jeep sa Boalan Highway sa Zamboanga City, Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa driver ng jeep na si Ian Peñaflor, naghihintay siya sa pagsakay ng isang pasahero nang biglang tumbukin ng truck na mabilis ang takbo.

Agad na dinala sa pagamutan ang mga sugatan.

Inabandona naman ng driver ang truck matapos ang aksidente.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pangalan ng mga biktima habang tinutukoy na rin nila ang may ari ng truck.