Matandang babae, patay matapos mabangga ng motorsiklo

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2019 11:10 AM

Tinangka pang isalba ang biktima pero namatay rin ito matapos mabundol ng motorsiklo. Larawan mula sa Sinait, Ilocos Sur Police

SINAIT, Ilocos Sur - Hindi na nakabalik pa sa ospital ang isang matandang babae para magdala ng pagkain sa kaibigang may sakit matapos na mabangga ng isang motorsiklo, Martes ng gabi.

Patawid na sana pabalik ng ospital si Filomena Salarzon, 71-anyos, nang mabundol ng motorsiklo.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon pa ang matanda na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.

May inisyal na usapan na umano ang driver at pamilya ng biktima kaya't hindi na siya sinampahan pa ng kaso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.