'Tulak' ng droga, patay sa buy-bust

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2018 09:29 AM

BOCAUE, Bulacan – Dead on the spot ang isang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga matapos na mauwi sa engkuwentro ang isinagawang buy-bust operation sa Barangay Batia, Miyerkoles ng madaling araw.

Sa paunang ulat ng Bocaue police, matagal na nilang minamanmanan si alyas Indio na supplier umano ng ilegal na droga sa naturang barangay.

Pero sa gitna ng kanilang operasyon ay nakatunog umano ito na pulis ang kaniyang katransaksyon at nagpaputok sa mga operatiba.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa agarang pagkamatay ng suspek.

Narekober mula sa pinangyarihan ng engkuwentro ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at isang baril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.