Tricycle driver, nahulihan ng 'shabu' sa QC

ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2018 08:50 AM

MAYNILA – Arestado ang isang tricycle driver matapos mahulihan ng hinihinalang shabu, Miyerkoles ng madaling araw sa Barangay Pasong tamo sa Quezon City.

Unang nasita si alyas Pipin dahil sa wala itong suot na damit pang-itaas.

Ayon sa pulisya, nagsasagawa sila ng anti-criminality campaign sa bahagi ng Himlayan Road sa tabi ng sementeryo nang mapansin ang naturang suspek na walang damit pang itaas.

Bilang bahagi ng kanilang police protocol ay kinapkapan ang suspek at doon tumambad ang hinihinalang shabu na tinatayang nasa P24,000 ang halaga.

Aminado ang suspek na nakulong na siya dati dahil sa kasong may kinalaman din sa droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.