Police auxiliary timbog sa droga sa Davao City

Cheche Diabordo, ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2018 11:38 PM

Nakuha sa suspek ang 3 sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia. Philippine Drug Enforcement Agency-Davao

DAVAO CITY - Timbog ang isang miyembro ng Volunteer Police Auxiliary sa ikinasang buy-bust operation nitong Miyerkoles sa Davao City.

Arestado si Danny Boy Patulot, 40, matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa halagang P14,000 sa poseur buyer ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

"Nasa target list namin siya. Allegedly, huminto na pero namonitor namin. Patuloy pa rin ang kanyang transaction sa iligal na druga," ayon kay PDEA-Davao regional director Antonio Rivera.

Bukod sa isang sachet na nabili sa suspek, may dalawa pang sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia ang nakuha mula sa kaniyang possession.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.