Paglilibing sa sementeryo sa Zamboanga City bawal na dahil sa pagguho ng lupa

Noning Antonio, ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2018 07:28 PM

ZAMBOANGA CITY - Ipinagbawal na ng parokya ng Barangay Ayala dito na maglibing sa sementeryo sa lugar dahil sa patuloy na pagguho ng lupa.

Bawat taon, nadaragdagan ang mga puntod na nasisira sa Ayala Cemetery dahil sa pagguho ng lupa.

Sa kasalukuyan, hindi bababa sa 50 puntod ang nasira na mula nang mag-umpisang gumuho ang lupa ilang taon na ang nakakaraan.

Maging ang riprap na dapat sana'y makakapigil sa pagguho ng lupa ay tuluyan na ring bumigay sa kasagsagan ng mga pag-ulan na dala ng bagyong Ompong noong Setyembre.

Ipinag-utos na ng parokya ng Barangay Ayala na siyang namamahala sa sementeryo na ipagbawal na ang paglilibing sa lumang sementeryo. 

Iminungkahi na rin ng parokya na ilipat sa apartment-type na puntod ang mga dati nang nakalibing dito.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.