Lalaking umano'y lasing, sugatan nang mahulog sa bus

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2018 04:30 PM

HIMAMAYLAN CITY, Negros Occidental - Sugatan ang isang lalaki matapos mahulog sa sinasakyang bus Martes ng gabi, ayon sa pulisya.

Hindi umano umupo ang lalaki at tumayo lamang malapit sa pinto ng bus na patungong Bacolod.

Pinagsabihan rin umano ito ng drayber na umupo dahil napansin niyang tila nakainom ng alak ang lalaki, pero hindi umano ito sumunod at nanatiling nakatayo.

Nang malapit na sa Barangay Talaban, may isa pang pasaherong bumaba mula sa bus at dito na nahulog ang biktima.

Ayon sa pulisya, nakasandal sa pinto ng bus ang nakatulog na pasahero. Automatic na nagbubukas ang pinto kapag may bumababang pasahero kaya nahulog ito.

Nagtamo ng mga sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan ang pasahero na agad namang dinala sa ospital.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.