Lalaki sinaksak ng pinsan sa Ilocos Sur

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2018 09:55 PM

CABUGAO, Ilocos Sur - Patay ang isang lalaki nang pagsasaksakin ng kaniyang pinsan Martes ng gabi sa bayan ng Cabugao, Ilocos Sur.

Kinilala ang biktima na si Robert Serrano. 

Base sa imbestigasyon, nag-iinuman sina Serrano at ang suspek na si Daryl Esteban nang mangyari ang insidente.

Depensa ni Esteban, dumepensa lamang siya matapos siyang pagtangkaang saksakin ni Serrano.

Dagdag pa ni Esteban, hindi naman umano sila nag-away ni Serrano pero bigla na lang umano siyang sinaksak nito.

Dead on arrival sa ospital si Serrano matapos magtamo ng malalim na saksak sa dibdib.

Wala naman umanong alam ang pamilya ng biktima na alitan sa pagitan ng mag-pinsan.

Desidido rin umano silang sampahan ng kasong murder ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.