Higit 3000 puntod, lubog pa rin sa baha sa Dagupan City

Joanna D. Tacason, ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2018 10:42 AM | Updated as of Oct 24 2018 09:35 PM

Marami pa ring mga puntod sa Roman Catholic Cemetery sa Dagupan City, Pangasinan ang lubog sa baha mula sa tubig na naipon sa mga nakalipas na pag-ulan.

DAGUPAN CITY – Libo-libong mga puntod sa isang sementeryo ang lubog sa baha mula sa naipong tubig ng nakalipas na pag-uulan sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa caretaker na si Bobby De Guzman, sa higit 12,000 puntod na nasa Roman Catholic Cemetery, nasa 3,000 rito ang lubog sa baha.

Dalawang linggo bago ang Undas, may ilang residente na ring maagang naglinis ng mga puntod ng kanilang yumaong mga kamag-anak.

Bukod sa bahay, malaking problema rin ang nagtataasang damo at tambak ng basura.

May balak na rin na tambakan ng lupa at pataasan ang sementeryo pero patatapusin muna umano ang paggunita sa Undas bago simulan ito.

Sa ngayon, tinambakan na ng lupa ang pathway ng sementeryo pero inaabisuhan ang mga kaanak ng mga nakalibing doon na ngayon pa lang ay maglinis na ng mga puntod at gumamit ng bota kung lulusong sa baha.

Hinahakot na rin ang mga basurang naipon sa sementeryo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.