MAYNILA - Naibalik na sa mga kaanak ang batang lalaki na iniwan sa tabi ng tindahan sa Tondo, Maynila.
Pumunta sa barangay ang lola ng bata matapos mapanood ang balita kahapon.
Dumating din ang 18 anyos na nanay ng bata at kaniyang biyenan.
Kuwento ng nanay sa barangay, iniwan niya ang bata malapit sa gate ng kaniyang biyenan dahil nahihiya siyang ihabilin ito.
"Hindi siya kumatok sa gate, parang pusa lang na iniwan sa gilid," ani Rose Lim, kagawad ng Barangay 212.
Inakala umano ng nanay na nakita ng kaniyang biyenan ang bata.
Nagalit ang lola at ang biyenan sa nanay dahil sa pagiging pabaya nito.
"Parang nagsisi naman 'yung nanay... May trabaho kasi kaya 'di niya maalagaan," ani Lim.
Kinuha muna ng lola ang bata para maalagaan. Naitala na rin ang insidente sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). - ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.