2 bangkay natagpuan sa gilid ng kalsada sa Quezon

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2018 03:21 PM

Dalawang lalaki ang natagpuang patay sa gilid ng Eco-Tourism Road sa Sariaya, Quezon nitong Miyerkoles. Kuha mula sa Sariaya PNP

SARIAYA, Quezon- Dalawang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa gilid ng Eco-Tourism Road sa Barangay Talayaan dito nitong Miyerkoles.

Tinatayang kapwa nasa 20 hanggang 30 anyos ang mga biktima na balot ng supot ang ulo at may tig-isang tama ng bala ng baril sa ulo.

Ang isa sa mga biktima ay may taas na 5'2 feet habang 5'4 feet naman ang isa pa.

Isang barangay tanod na napadaan sa lugar ang nakakita umano sa mga bangkay ayon sa imbestigador na si PO2 Gerardo Eballa.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.