17 timbog sa droga sa Kamaynilaan

ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2018 05:27 AM | Updated as of Dec 15 2019 01:48 PM

MAYNILA - Arestado ang 17 katao sa magkahiwalay na operasyon kontra droga sa Kamaynilaan sa magdamag.

Sa Quezon City, huli ang magtiyuhin sa buy-bust operation sa Barangay Pinyahan.

Nakuha sa kanila ang 10 sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P3,000. Nahuli rin ang kanilang kasamang lalaki na bumibili ng droga.

Samantala, timbog ang 6 katao sa drug session sa Barangay Payatas, Quezon City.

Narekober sa kanila ang 6 na sachet ng umano'y shabu at mga drug paraphernalia.

Watch more in iWantTFC

Sa Makati City, tiklo ang isang tricycle driver sa buy-bust operation sa Barangay Rizal.

Nakuhanan ang suspek ng 3 pakete ng hinihinalang marijuana at isang balisong.

Sa Marikina City, naaresto ng mga pulis ang 3 babae sa buy-bust operation sa Barangay Tumana.

May edad 16, 17, at 19 anyos ang mga suspek. Nasamsam sa kanila ang 8 sachet ng hinihinalang shabu.

Depensa ng 2 suspek, nagbebenta sila ng droga para pantustos sa mga anak.

Nahuli naman ng pulisya ang 4 katao sa buy-bust operation sa Malate, Maynila.

Nakuha sa kanila ang 8 sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P340,000.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat nina Jeck Batallones, Lady Vicencio, Henry Atuelan, at Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.