Hinihinalang financier ng Maute, natimbog sa Valenzuela

ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2017 02:50 PM | Updated as of Oct 25 2017 12:17 AM

Nahuli sa Valenzuela City ang hinihinalang financier o tagapondo ng teroristang grupong Maute.

Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group at Philippine Army sa Barangay Paso De Blas si Aminkisa Romato Macadato.

Kabilang si Macadato sa mga nasa Martial Law Arrest Order No. 1 and No. 2 ng Office of the Martial Law Administrator ng Department of National Defense.

Pamangkin umano si Macadato ni Farhana Maute, ina ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute.

Sinasabing bago sinalakay ng Maute ang Marawi, tumulong si Macadato sa grupo sa pangongolekta ng mga armas at pagdadala ng pagkain.

Nakumpiska kay Macadato ang isang baril at granada.

-- Ulat ni Maan Macapagal, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.