'Bato', pumalag sa 'pag-atake' ng SWS survey

ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2017 10:08 PM

Pumalag si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald "Bato" Dela Rosa sa mga resulta ng mga survey ng Social Weather Stations (SWS).

"Piece by piece attack ang ginagawa nila sa amin. Para bang naubusan na sila ng bala na pantira sa PNP," ani Dela Rosa.

Batay kasi sa survey na inilabas ng SWS nitong Lunes, lumalabas na lumala ang duda ng publiko sa pahayag ng mga pulis na nanlaban ang mga drug suspect na napatay nila.

Ibig sabihin, tila sumasama ang reputasyon ng pulisya sa publiko.

Nasa 37% ng mga sumagot sa survey ang nagsabing hindi sila naniniwala sa pahayag ng pulisya, habang 45% ang hindi sigurado at 17% ang nagsasabing naniniwala sila sa paliwanag ng mga pulis.

Sa kabila nito, sinabi ni Dela Rosa na iginagalang niya ang damdamin ng publiko. -- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.