TFC News

PH Para Dance Sport Team, pinarangalan ng PH Embassy sa Poland

Jerome Fadriquela | TFC News

Posted at Oct 23 2021 11:10 PM | Updated as of Oct 24 2021 12:59 AM

WARSAW - Pinamunuan ni Philippine Ambassador to Poland Leah Basinang-Ruiz ang pagbati at pagbibigay parangal sa grupo dahil sa kanilang tagumpay sa 2021 Para Dance Sport Polish Open na ginanap sa Łomianki, Poland noong October 9-10, 2021.

Para Dance
PE Warsaw photo

Ipagmamalaki ng Philippine Embassy at ng Filipino community sa Poland ang makasaysayang tagumpay ng 17-kasapi ng koponan ng Pilipinas na humakot ng pitong gold, apat na silver, at walong bronze medals. 

Para Dance Champs
PE Warsaw photo

Ang mga nag-uwi ng karangalan ay ang mga sumusunod:

Gold Medalist:

 Evelyn De Asis (Women's Single Freestyle 2, Single Conventional 2, Junior Competition, Duo Freestyle Class 2 kasama ang kanyang kapareha na si Julius Jun Obero) Julius Jun Obero (Combi Latin Class 2, Freesyle Combi Class 2 kasama ang kaparehang si Rhea Marquez) Jhona Pena at Joey Maglasang sa Duo Standard Class 2

Silver Medalists:

Evelyn De Asisand at Shaquile Hanze Basan (Combi Latin Class 2), Julius Jun Obero(Solo Men's Class 2), Christian Apolinario at Jhistine Glyde Baguio (Combi Latin Class 1), Jhona Pena at Filemon Baguio II (Combi Class 2) 

Bronze Medalists:

Anne Charlaine Santos (Solo Women Class 2, Solo Women Class 2 Freestyle, Duo Latin Class 2, Duo Freestyle Class 2 kasama ang kanyang kaparehang si Christian Apolinario, Combi Latin Class 2, at Freestyle Combi Class 2 kasama ang kapareha na si Jed Villaruel), Christian Apolinario (Solo Men's Class 2), Joey Maglasang (Solo Men's Class 2).

Ang Łomianki ay isang bayan sa Warsaw West County na halos 27 na kilometro ang layo mula sa Wilanow District ng Warsaw, kung saan matatagpuan ang Philippine Embassy.

Para Dance courtesy call
PE Warsaw photo

Bumiyahe si Ambassador Ruiz sa Łomianki noong October 8, 2021 para batiin at tanggapin ang courtesy call ng mga atleta ng Pilipinas.

Source: DFA website