PatrolPH

Quarantine pass hindi na kailangan sa Cavite malls

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2020 07:07 PM

MAYNILA — Suspendido na ang quarantine pass requirement sa mga mall sa Cavite kaya malaya nang pumasok ang mga nasa edad 15 hanggang 65 basta may dalang valid ID sa gitna ng patuloy na COVID-19 quarantine.

Ayon kay Cavite Gov. Jonvic Remulla, sinimulan ang bagong patakaran noong Huwebes.

Iyun nga lang, 3 oras lang puwede ang tao sa loob ng mall na imo-monitor batay sa time card na ibinibigay sa entrada ng mall.

Patuloy pa rin naman ang pagpapatupad ng health and safety protocols sa malls, lalo na ang pagsusuot ng face mask at face shield.

Samantala, bawal pa rin ang sabong sa Cavite, at 9 p.m. hanggang 4 a.m. pa rin ang curfew hours.

Bumaba na rin daw ang daily COVID-19 cases sa probinsya na nasa 60 hanggang 80 na lang mula sa dating 800 hanggang 1,000 kada araw.

Watch more on iWantTFC

— Mula sa ulat ni Michael Joe Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.