Nasa 41 na ang nai-report na mali sa mga learning modules sa Department of Education, ayon sa isang opisyal ng kagawaran. George Calvelo, ABS-CBN News/File
MAYNILA - Umabot na sa 41 ang natanggap na ulat ng #ErrorWatch ng Department of Education na binuo upang madaling makapag-report ng mga pagkakamali sa learning modules ang publiko.
Ayon kay DepEd Usec. Diosdado San Antonio, kasama sa naiulat ang factual at computational errors, mga pagkakamali sa format at grammar, at iba pa.
May 15 namang entries na dalawang beses lumitaw, mga ulat na may kaakibat na suhestyon o katanungan at error mula sa YouTube lesson.
"Ang gusto rin po natin bigyang diin ung napaka-glaring na error na na-ano po talaga ang DepEd. 'Yung ostrich ay hindi pa rin po namin ma-locate. So I've been appealing to our media partners and friends to help us locate kung saan ito ginagamit. Kasi hindi po namin mahanap kung anong division o school ang gumawa nito," ani San Antonio.
May ilang mga inulat na pagkakamali pero ayon kay San Antonio, maaaring hindi naman sila maituturing na error.
"Ito halimbawa itong apat na to, sinasabi mali daw na Panay ang mag-refer sa Visayas pero sa document pong ginamit, ang original na sinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista on June 12,1898, 'yung island of Panay represented Visayas," aniya.
Naglalabas na ng errata ang DepEd sa mga pagkakamali. Ituturo naman ng mga guro sa mga estudyante ang tamang sagot.
Para sa quality assurance ng self-learning modules, isinasaalang-alang ang content, language at design and layout.
Inatasan na rin ang regional offices ng gumawa ng localized version ng #ErrorWatch upang mapabilis ang imbestigasyon at tugon.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
DepEd, Department of Education, modules, learning modules, ErrorWatch, #ErrorWatch, module mistakes, TeleRadyo, Tagalog news