PatrolPH

Manila North Cemetery dinagsa bago isara mga sementeryo sa Undas

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2020 05:00 PM | Updated as of Oct 23 2020 09:30 PM

Manila North Cemetery dinagsa bago isara mga sementeryo sa Undas 1
Sa tala ng pamunuan ng sementeryo, alas-11 ng umaga ng Biyernes aabot na sa 1,821 ang bilang ng mga bumisita sa sementeryo. Sarado ang lahat ng sementeryo sa buong bansa simula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 dahil sa pandemya. ABS-CBN News

(UPDATE) Unti-unti nang dumarami ang mga dumadalaw sa kanilang yumaong mahal sa buhay sa Manila North Cemetery bago isasara ang mga sementeryo sa buong bansa sa Undas dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic. 

Sa tala ng pamunuan ng sementeryo alas-11 ng umaga Biyernes, aabot na sa 1,821 ang bilang ng mga bumibisita sa libingan nitong Biyernes. 

Watch more on iWantTFC

Muli namang nagpaalala si Manila North Cemetery director Roselle Castañeda na sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols. 

"Nakikiusap na po kami sa mga dadalaw po sa mga kaanak nila yumao na sa buhay kung pupuwede po dumalaw na po sila ng mas maaga, maglinis na po sila ngayon ng mga puntod. doon naman po sa hindi aabot sa araw na pinapayagan, pwede pa naman po silang dumalaw," ani Castañeda. 

Kailangan anila na naka-mask at may face shield bago pumasok sa sementeryo. 

Mayroon ding mga decontamination booth at temperature check bago makapasok. 

Namigay rin ang Teleradyo ng 3 wheelchair sa tulong ng mga donors, dahil pinayuhan ang mga senior citizen at person with disability na iwasan na munang pumunta sa sementeryo. 

Sarado mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 ang sementeryo bilang pagtugon sa direktiba ng gobyerno. 

Kalimitang inaasahan ang pagdagsa ng mga tao sa mga sementeryo tuwing Undas, partikular na sa Manila North Cemetery, isa sa mga pinakamalalaki sa bansa. 

-- Ulat ni Zandro Ochona, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.