PatrolPH

Aabot sa P21-M halaga ng smuggled na sigarilyo, sinira ng Bureau of Customs

Johnson Manabat, ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2020 10:00 PM

MAYNILA - Sinira ng Bureau of Customs ang mga nasabat nitong smuggled na sigarilyo at mga makina sa paggawa nito nitong Biyernes.

 

Umabot sa 2,305 reams ng mga ilegal at smuggled na sigarilyo ang dinurog ng mga tauhan ng BOC sa Porac, Pampanga. 

Aabot sa kabuuang P21 milyon ang halaga ng mga kontrabando.

Ayon sa BOC, layon nito na hindi na kumalat pa sa merkado ang mga pekeng produkto at para ma-decongest ang mga pasilidad ng BOC sa dami ng mga nasasabat na kontrabando.

Watch more on iWantTFC

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.