Umano'y tulak ng shabu patay sa buy-bust sa Bulacan; kasabwat nakatakas

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2019 12:08 PM | Updated as of Oct 28 2019 05:26 PM

MAYNILA — Patay sa engkuwentro nitong Miyerkoles ang isang hinihinalang drug pusher matapos itong kumagat sa buy-bust operation ng pulisya sa Bustos, Bulacan. 

Dead-on-the-spot ang suspek na kinilalang si Raymon Quizon alyas "Imond." 

Gayunman, nakatakas naman ang kasabwat nito na hindi pa nakikilala. 

Ayon sa Bustos Municipal Police Station, P500 halaga ng shabu ang binibili ng kanilang operatiba mula kay Quizon pero nakatunog umano ang suspek kaya nagkaroon ng barilan.

Nakaganti ang operatiba kaya napatay si Quizon habang nakatakbo ang kasamahan niya. 

Nakuha sa suspek ang kalibre .38 na baril.

—Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.