2 dawit sa droga timbog sa Binondo

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2019 12:16 PM

MAYNILA — Arestado ang isang babae at isang lalaki matapos sila mahulihan ng hinihinalang droga sa Barangay 283 sa Binondo nitong Miyerkoles.

Ayon sa pulisya, nagsasagawa sila ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) nang matiyempuhan ang isang grupo na nagsusugal sa gilid ng kalsada.

Sinita ang mga nandoon at nang kapkapan ang 2 ay nakitaan sila ng umano'y mga droga.

Dalawang sachet ng hinihinalang shabu ang narekober sa 2.

Ikinulong ang mga suspek habang inihahanda pa ang mga kasong may kinalaman sa pagsusugal at droga.


—Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.