2 batang magkapatid patay sa sunog sa Tondo

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2019 07:16 PM

MAYNILA — Dalawa ang kumpirmadong patay sa nangyaring sunog sa Gagalangin, Tondo, Maynila nitong Miyerkoles ng umaga.

Isang taong gulang at 9 na taong gulang ang mga edad ng nasawing magkapatid, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Nangyari ang sunog sa isang 3-palapag na residential house na pagmamay-ari ng isang "Marina Sia."

Umabot lamang ang sunog sa unang alarma at idineklarang fire under control bandang 9:37 ng umaga bago tuluyang naapula ng 9:39 ng umaga.

Umabot sa tinatayang P30,000 ang halaga ng mga ari-ariang napinsala ng sunog.—Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.