Pulis, kasama sa timbog sa ilegal na bentahan ng baril

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2018 09:24 PM | Updated as of Sep 16 2019 01:29 PM

Watch more in iWantTFC

Inaresto sa Quezon City nitong Martes ang isang pulis at ang kaniyang kasamahan dahil sa umano ay ilegal na pagbebenta ng mga matataas na kalibre ng baril.

Ikinasa ng Philippine National Police-Counter Intelligence Task Force ang entrapment operation laban kay Police Officer 2 Jaid Pingli, na nakatalaga sa Pasay City Police Station, matapos makatanggap ng tip ukol sa umano ay ilegal na pangangalakal nito.

Nahuli rin sa operasyon ang isang sibilyang kasama ni Pingli.

Itinanggi naman ni Pingli ang paratang.

Ayon sa kaniya, sinamahan lang niya ang kaibigan na nagbebenta ng baril.

Huli na raw nang malaman niyang walang lisensiya ang mga baril.

Nabawi sa kanila ang mga baril na ilegal umanong pinapalitan ng piyesa bago ibenta sa mga sibilyan at ilang politiko sa Cordillera at Mindanao. --May ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.