Barangay patrol na may dalang pasyente, nabangga ng SUV; 5 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2018 04:50 AM | Updated as of Oct 23 2018 10:15 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Sugatan ang 5 katao sa salpukan ng barangay patrol at SUV sa Taft Avenue, Maynila Martes ng madaling-araw.

Magsusugod sana ng pasyente sa Manila Doctors Hospital ang barangay patrol nang mabangga ng SUV.

Tumilapon ang mga sakay ng barangay patrol, kung saan 3 sa kanila ang lubhang nasugatan. Kabilang dito ang pasyente na inatake sa puso.

Depensa naman ng drayber ng SUV na isang doktor, naka-green light siya kaya deretso ang kaniyang pagmamaneho sa Padre Faura St.

Beating the red light umano ang barangay patrol kaya nabangga, aniya.

Yupi ang harapan ng SUV at ng barangay patrol. Iniimbestigahan pa ng Manila Traffic ang insidente. - ulat nina Jervis Manahan at Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.