Sundalo, 1 pang kasabwat pumatay umano ng balikbayan

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2017 03:43 PM

Arestado ang isang sundalo at ang kasabwat nito matapos umano silang masangkot sa pagpatay ng isang balikbayan sa Valenzuela City.

Ayon sa gunman na si Avelino Tamayo, inutusan umano siya ni Staff Sgt. Gilberto Raro Jr. na patayin ang biktimang si Antonio Fermo habang sakay ng isang taxi sa Barangay Dalandanan noong Oktubre 18.

Natunton ng Valenzuela City Police ang sasakyang ginamit sa pamamaslang sa tulong ng CCTV.

Agad umamin si Tamayo na binayaran siya ni Raro ng P50,000 para barilin si Fermo.

Tumangging magbigay ng pahayag ang sundalo.

Nabawi kay Tamayo ang 9-mm na baril na ginamit sa krimen.

Haharap sa kasong murder sina Tamayo at Raro.

-- Ulat ni Raffy Santos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.