Naitaas na ang bandila at inawit na rin ang "Lupang Hinirang" sa Marawi city hall, limang buwan matapos payukurin ng karahasan ang lungsod.
Pinangunahan ni Marawi Mayor Majul Gandamra ang pagkanta ng pambansang awit at pagtataas ng watawat.
Nakiisa sa seremonya ang ilang kawani ng kapitolyo, sundalo, at pulis.
Ngayong araw din, magbabalik-operasyon ang Marawi city hall, pero hindi sa lahat ng opisina
Mananatili pa rin ang operation center ng Marawi city hall sa Iligan City.
Umaasa ang mga lokal na opisyal na magiging hudyat ang pagbabalik-operasyon ng city hall sa unti-unting pagbabalik-normal ng takbo ng buhay sa lungsod.
Bakas naman sa kapitolyo ang tindi ng bakbakan dahil bukod sa sira, nawawala rin umano ang ilang gamit doon tulad ng computers, at mga dokumento.
Hinihiling ng lokal na pamahalaan na patuloy silang tulungan sa pagbangon ng Marawi.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, DZMM, Headline Pilipinas, Dennis Datu, balita, terrorism, maute, Marawi, #MarawiClash, Marawi Clash, Bangon Marawi, BangonMarawi, #BangonMarawi