Deskuwento sa pasahe ng mga estudyante, magagamit na kahit weekends, holidays

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2017 02:28 PM | Updated as of Oct 23 2017 03:32 PM

Pinalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 20% deskuwento sa pasahe ng mga estudyante sa mga pampublikong sasakyan.

Batay sa utos na inilabas ng LTFRB nitong Lunes, Oktubre 23, mayroon nang deskuwento sa pamasahe ang mga mag-aaral tuwing Sabado at Linggo, bakasyon, at maging kung holiday.

Dati, maaari lamang makamenos sa pasahe ang mga estudyante sa mga pampublikong sasakyan tuwing Lunes hanggang Biyernes.

Hindi sakop ng kautusan ang mga kumukuha ng post-graduate studies, maging ang mga nag-aaral ng medisina at abogasya.

Magiging epektibo ang kautusan ng LTFRB simula Oktubre 28. -- May ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.