2 sa 3 bata sa video na sinaktan, itinali ng tatay, nailigtas | ABS-CBN
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
2 sa 3 bata sa video na sinaktan, itinali ng tatay, nailigtas

ABS-CBN News
Published Oct 23, 2017 07:14 PM PHT
|
Updated Oct 23, 2017 09:36 PM PHT
Nailigtas ang dalawa sa tatlong batang nakuhanan ng video na sinasaktan ng kanilang ama sa Barangay Batomelong, General Santos City.

Kumalat sa social media ang video ng pananakit sa mga bata kaya maraming netizen ang nagalit.

Ang isa sa mga bata, ang dalawang taong gulang na si alyas "Baby," nilagyan pa ng tali sa bibig.

Napag-alamang ang ama ng mga bata ang kumukuha ng video at ipinadala sa kaniyang asawang nasa ibang bansa para puwersahin itong umuwi.

ADVERTISEMENT
Nitong Lunes ng umaga, ikinasa ng mga opisyal ng barangay, pulis, at Social Welfare and Development Office ng General Santos ang operasyon.

Nasagip si "Baby" at ang siyam na taong gulang na si alyas "Nene."

Mananatili muna ang mga bata sa pangangalaga ng Social Welfare and Development Office.

Bigo namang iligtas ang nakatatandang kapatid na lalaki, na hawak pa rin ng amang tumakas matapos nitong malamang tinutugis siya ng mga awtoridad.

Wala namang natamong sugat ang mga nailigtas na bata, batay sa pagsusuring ginawa ng Social Welfare and Development Office.

Hinimok ng mga opisyal ng barangay ang ama ng bata na sumuko para hindi na lumala ang haharaping reklamo.-- Ulat ni Jay Dayupay, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
krimen
General Santos
South Cotabato
regional
regional news
viral
trending
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT