PatrolPH

Mag-live-in-partner natagpuang patay sa Cebu City

ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2022 11:18 AM | Updated as of Oct 22 2022 12:05 PM

Ayon sa awtoridad, personal grudge at pagkakaugnay sa ilegal na droga ang ilan sa mga sinisilip na motibo sa pagpatay sa dalawang biktima sa Cebu City. Retrato mula sa Labangon Police Station
Ayon sa awtoridad, personal grudge at pagkakaugnay sa ilegal na droga ang ilan sa mga sinisilip na motibo sa pagpatay sa dalawang biktima sa Cebu City. Retrato mula sa Labangon Police Station

Natagpuang patay hapon ng Biyernes ang mag-live-in partner sa madamong bahagi ng Brgy. Quiot, Cebu City.

Nakitang may mga tama ng bala sa ulo ang mga biktimang sina James Jimenez, 42, at Pinky Jane Cediño, 25.

Sa imbestigasyon ng Labangon Police Station, napansin ng isang residente ang masangsang na amoy sa lugar kaya nadiskubre ang katawan ng mga biktima.

Ayon sa hepe ng Labangon police na si Maj. Janelito Marquez, personal grudge at pagkakaugnay sa ilegal na droga ang ilan sa mga sinisilip na motibo sa krimen.

"Nahuli ang lalaki noong 2019 at nahuli na din ang babae noong 2016 dahil sa... possession of illegal drugs," ani Marquez.

Namamaga rin ang katawan ng mga biktima kaya hinihintay ang resulta ng autopsy para matukoy ang dahilan ng kanilang pagkamatay, ani Marquez. 

— Ulat ni RC Dalaguit

 FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.