PatrolPH

PDEA agent, drug suspect patay sa buy-bust operation sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2022 12:10 PM | Updated as of Oct 22 2022 12:11 PM

Watch more News on iWantTFC

Dalawa ang patay sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lungsod ng Mabalacat, Pampanga noong gabi ng Biyernes.

Kabilang sa mga nasawi ang PDEA agent at ang drug suspect na target ng operasyon sa Brgy. San Francisco.

Ayon sa mga awtoridad, nanlaban ang suspek at nabaril sa ulo ang agent na nagpanggap na buyer.

"Nandoon naman 'yong backup nating tropa at naputukan din naman 'yong suspect," ani Vidal Bacolod ng PDEA-Pampanga.

Nakuha umano sa suspek ang higit 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P340,000, marked at boodle money, at isang pistol.

Ayon kay Bacolod, kabilang ang suspek sa grupo ng mga nagsu-supply ng ilegal na droga sa Mabalacat at Angeles City.

"Sa lahat po ng mga involved sa ganitong ilegal na droga, hindi pa rin kami titigil sa pagsugpo sa kanila at lalo pa naming paiigtingin ang aming hanay," ani Bacolod. — Ulat ni Gracie Rutao

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.