Ilang dagat sa Eastern Visayas positibo sa red tide toxins

ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2021 03:37 AM

Nagpositibo sa red tide toxins ang mga shellfish meat sample mula sa ilang dagat sa Eastern Visayas region, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources nitong Huwebes.

Sa ipinalabas na resulta ng laboratory examination ng BFA, kasama sa mga nagpositibo sa red tide toxins ang: 

  • Carigara Bay sa Leyte (Capoocan, Carigara, Barugo, San Miguel, and Babatngon); 
  • Coastal waters ng Leyte; 
  • Cambatutay Bay sa Tarangnan, Samar; 
  • San Pedro Bay sa Basey, Samar; 
  • Matarinao Bay sa Eastern Samar (General MacArthur, Hernani, Quinapondan, and Salcedo); 
  • Villareal Bay din sa Samar
BFAR

Pinayuhan ng BFAR ang publiko na huwag muna kumuha, magbenta at kumain ng anumang uri ng shellfish, alamang o hipon mula sa mga nabanggit na dagat para maiwasan ang pagkalason.

Ang mga isda at iba pang produktong dagat ay ligtas naman kainin pero kailangan itong linisan nang mabuti at lutuin ng mabuti, ayon sa naturang ahensiya. — Ulat ni Ranulfo Docdocan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC