Pamamahagi ng pangalawang bugso ng SAP, halos tapos na: DSWD

Joyce Balancio, ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2020 11:00 PM

MAYNILA - Inihayag ng Department of Social Welfare and Development na halos tapos na ang kagawaran sa pamamahagi ng ikalawang tranche ng ayuda sa ilalim ng social amelioration program (SAP).

“Ayon po sa pamamahagi natin sa digital at manual pay-out, nasa P83.5 billion na po ang ating naipamigay sa mga beneficiaries. At kabuuan po nito, nasa 13.9 million na beneficiary families na ang ating nabigyan sa SAP 2. Kasalukuyan po, 98 percent na ang accomplishment rate natin para sa ikalawang yugto ng SAP,” ani DSWD Usec. Rene Paje nitong Huwebes.

Ang mga natitirang porsyento ay para sa mga beneficiaries na may “quality issues” at mga kulang kulang na impormasyon, aniya, habang ang ilan naman ay nakalagay sa geographically isolated areas na mahirap matunton ng DSWD.

Sinisikap umano ng kagarawan na matapos ngayong taon ang pagmamahagi ng pangalawang tranche ng SAP.

Una nang sinabi ng DSWD na nasa 14 million na mga mahihirap na pamilya ang target nilang mabigyan ng ikalawang bugso ng ayuda.

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.