'Pusher' na lolo timbog sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2019 04:09 AM | Updated as of Oct 22 2019 06:48 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Balik-kulungan ang isang lolo sa Pasay City matapos siyang mahulihan ng higit P70,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Kalalaya lang noong Setyembre ng 54 anyos na si Fernando Santiago pero kagabi nahuli na naman siya sa buy-bust operation sa Barangay 14.

Nasamsam sa suspek ang higit 10 gramo ng umano'y shabu. Inako niya ang nakuhang ebidensiya.

"Sa hirap po ng buhay... Hindi makapagtrabaho ng parehas. Tingin nila sa nakakulong hindi mapagkakatiwalaan," aniya.

Mahaharap siya sa panibagong kasong pagbebenta ng droga.—Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.