Metro Manila malls 11 a.m. na ang bukas simula Nobyembre 11

ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2019 05:47 PM | Updated as of Oct 22 2019 08:05 PM

Mas late nang magbubukas ang mga mall sa Metro Manila simula Nobyembre 11 para makatulong na maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa holiday season, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa isang pahayag, sinabi ng MMDA na pumayag na ang mga may-ari ng mga mall na magbukas ng alas-11 ng umaga mula Lunes hanggang Biyernes.

Ipatutupad ang adjustment sa mall hours hanggang Enero 10, 2020.

Bawal na rin ang pagkakaroon ng sale sa mga mall tuwing weekdays, ayon sa MMDA.

Magtatalaga ang mall operators ng karagdagang tauhan para mangasiwa sa pagpasok ng mga sasakyan sa parking areas, na kadalasan umanong sanhi ng pagsikip ng trapiko.

Aalisin din ang mga obstruction o harang sa mga loading at unloading bay sa mga shopping mall.

Suspendido ang pagkukumpuni sa mga kalsada o road reblocking sa EDSA at C5 maliban sa mga government flagship project.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.