Halos P1-M halaga ng droga nasamsam sa Bacolod

ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2019 07:50 AM

Kuha ng Bacolod Police Station 3

BACOLOD CITY - Nasamsam ang P975,000 halaga ng droga mula sa 4 na suspek sa lungsod na ito, Martes ng madaling araw.

Nakuha sa mga lalaki ang 16 na sachet ng hinihinalang shabu.

Matagal nang sinusubukang mahuli ang 3 sa mga suspek, ayon kay Police Major Ruel Culanag, hepe ng Bacolod Police Station 3.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga suspek na haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

--Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.