Guwardiya, sugatan matapos barilin ng holdaper sa mall sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2019 10:41 PM

Isang guwardiya ng shopping center ang sugatan matapos barilin ng holdaper sa mall sa lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan Martes.

Ayon sa hepe ng San Jose del Monte City Police na si Lt. Col. Orlando Castil, nang-holdap ang suspek ng isang bayad center sa nasabing mall bago ito lumabas para tumakas.

Pero hinarang siya ng guwardiya at nagpambuno ang dalawa hanggang mabaril ang biktima.
 
Nakatakas naman ang suspek na tinutugis na ng pulisya.

—Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.