Suspek sa snatching sa QC, arestado

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2017 10:10 AM | Updated as of Oct 22 2017 12:47 PM

MANILA - Arestado ang isang lalaki matapos ireklamo ng pagnanakaw ng cellphone ng isang babae.

Kinilala ang suspek na si Vicente Rubio, 33 taong gulang.

Kwento ng biktima, nagtetext siya sa loob ng jeep galing Cubao. Nang makarating sa Zuzuaregui St. sa may barangay Holy Spirit, pumara ang suspek sabay hablot sa cellphone ng biktima.

Nagsisigaw ang biktima at nakakuha ng atensyon ng mga tao sa paligid na agad hinabol ang suspek.

Nakorner si Rubio sa may bakanteng lote kung saan siya kinuyog ng taumbayan.

Kaagad ding dumating ang mga taga barangay kung saan hinuli ang suspek.

Nabawi ang cellphone habang nakakulong ngayon ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.