Siklista, kritikal matapos mabangga ng isang van sa QC

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2017 08:24 AM

MANILA - Kritikal ang kondisyon ng isang lalaking nagbibisikleta matapos siyang banggain ng isang van na minamaneho naman ng isang lasing na binatilyo sa Zabarte Road, Novaliches, Quezon City.

Kinilala ang bike rider na si Alejandro Lucambo, kasalukuyang nasa East Avenue Medical Center.

Agad namang naaresto ang driver ng van na bukod sa bike, ay may nabangga pang dalawang sasakyan at motor.

Ayon kay PO3 Rufino De Leon III, unang nabangga ng driver ang isang sasakyang nakaparada sa North Olympus Subdivision.

Nang habulin ng mga residente, humarurot pa driver at dito na tinamaan ang bisikleta, motor at sasakyan.

Aminado naman ang driver na nakainom siya dahil marami siyang problema. Humingi din siya ng paumanhin sa mga nadisgrasya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.