Dalawang lalaki patay sa pamamaril sa Taguig

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2017 09:00 AM

MANILA - Dead on the spot ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin sa Road 6 corner Maguindanao St., Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City.

Kinilala ang biktima na sina Lyndon Trinidad, 29 anyos habang wala pang pagkakakilanlan ang biktima na nakasuot ng itim na T-shirt at shorts.

Sa taya ng otoridad, nasa 25 hanggang 30 taong gulang ang ikalawang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa balikat at tenga.

Ayon sa Taguig Police, nakarinig ang mga residente ng hindi bababa sa walong putok ng baril pero hindi nila nakita ang mga suspek.

Nakuha ng SOCO ang anim na basyo ng bala. Iniimbestigahan pa ang posibleng motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.