Babae natagpuang patay sa La Mesa Dam

ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2017 10:56 AM

MANILA - Natagpuang patay ang isang babae sa La Mesa Dam sa Barangay Lagro, Quezon City, Linggo.

Kwento ng guwardyang si Mike Abano, papasok siya ng trabaho nang makita ang bangkay sa tapat ng isang building dakong alas-4 ng madaling-araw.

Hinihinala naman ng mga imbestigador na mas maaga pang naroroon ang bangkay.

Walang pagkakakilanlan ang babaeng tinatayang 20 anyos at nasa 5 talampakan ang taas. Nakasuot ito ng green na shorts at itim na blouse.

Hindi pa tiyak kung ano ang ikinamatay ng babae. Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.