5 bahay nawasak ng malakas na alon sa Misamis Oriental

ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2017 12:01 AM

Nagiba ang 5 bahay nang hampasin ng malalaking alon sa Misamis Oriental, Biyernes. Handout

Nawasak ang 5 bahay matapos hampasin ng malalaking alon sa bayan ng Villanueva, Misamis Oriental ngayong Biyernes.

Nasa 85 pamilya mula sa 3 barangay ang agad inilikas sa mga evacuation center matapos tumaas ang tubig sa dagat at umabot sa kanilang mga tahanan.

Pinayuhan ang mga residente na huwag munang bumalik sa kanilang lugar hangga't patuloy pang nararanasan ang malalakas na alon.

Ipinagbawal din ang mga residente na magtayo muli ng bahay sa lugar kung saan nawasak ang kanilang mga tahanan.

Agad inilikas ang mga residente matapos tumaas ang mga alon at umabot sa kanilang mga tahanan. Handout
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.