PatrolPH

Sanggol patay, mga magulang sugatan sa aksidente sa Northern Samar

ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2021 11:59 AM

Kuha ni Eliazar Oinemot
Kuha ni Eliazar Oinemot

LEYTE— Patay ang isang sanggol habang sugatan ang 3 iba pa, kabilang ang kaniyang mga magulang, matapos sumalpok sa nakaparadang trak ang kanilang sinasakyang traysikel sa bayan ng Mondragon, Northern Samar Miyerkoles ng hapon.

Idineklarang dead on arrival ang 1-buwang gulang na batang lalaki na si John Mike Delda Acibar.

Sugatan ang kaniyang mga magulang na sina Jonel Lopez Acibar, 24, at Mylene Resurecion Delga, 18, at traysikel drayber na si Joseph Galupo Abalos, 29.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Mondragon police, patungo sa bayan ng Catarman ang mga biktima nang bumangga ito sa nakaparadang trak na may kargang mga troso ng niyog sa Barangay Bugko alas-4 ng hapon.

Agad na isinugod sa pagamutan ang mga biktima pero hindi na umabot ng buhay ang sanggol. Patuloy na iniimbestigahan ng mga pulis ang pangyayari.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.