Higit P150-M halaga ng ilegal na droga, nasabat sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2020 10:30 PM

 

Mahigit P150 milyong halaga ng pinaghihinalaang ilegal na droga ang nasabat nitong Miyerkoles sa ikinasang buy-bust operation sa sa Lapu-Lapu City, Cebu. 

Arestado sa operasyon ang 30 taong gulang na suspek na nasa priority target list at matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Ayon sa Police Regional Office 7, dating nagtuturo sa isang unibersidad sa Cebu City ang suspek.

Nakuha sa operasyon ang nasa 22.1 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P150,280,000.

Ayon kay Police Brig Gen. Albert Ignatius Ferro, isa ito sa pinakamalaking halaga ng droga na nakuha nila sa isang operasyon mula nang maging regional director siya ng PRO7.

Haharap sa kasong paglabas sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.