4 tiklo sa droga sa Taguig at Pasay

ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2020 05:23 AM

MAYNILA - Arestado ang apat na lalaki sa magkahiwalay na anti-drugs operation sa Taguig at Pasay nitong Martes.

Unang nahuli ang isang 46-anyos na lalaki sa buy-bust operation sa Sultan Kudarat St. sa Brgy. Maharlika sa Taguig. 

Nakuha sa kanya ang 6 na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng higit P2,000. 

Samantala, 3 naman ang timbog sa Pasay matapos maaktuhan ng mga pulis na naglalaro ng cara y cruz na ipinagbabawal sa lungsod. 

Hinuli ang tatlo pero nang kapkapan, nakunan ang isang suspek ng walong sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P6,000.--Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.