12 fixer sa LTO, arestado

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2019 09:24 PM

MAYNILA - Labindalawang fixer ang naaresto sa pinagsanib na operasyon ng Land Transportation Office (LTO) at Quezon City Police District (QCPD) nitong Lunes.

Kabilang dito ang mga fixer na nag-aabang ng mga kliyente sa tanggapan ng LTO sa Barangay Pinyahan.

Ayon kay LTO Law Enforcement Service Acting Director Atty. Clarence Guinto, ikinasa ang operasyon kasunod ng mga reklamong kanilang natatanggap sa social media.

Nagpapakilala umanong mga tauhan ng LTO ang mga naarestong fixer at nag-aalok nang mas mabilis na pagpoproseso ng mga driver’s licence. Kinumpirma rin ang hawak ng mga itong tarpaulin.

Mahaharap ang mga fixer sa mga kasong paglabag sa Anti-Red Tape Law, Usurpation of Authority, at Anti-Fixing Ordinance ng Quezon City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.