Lalaki, pinukpok ng martilyo ang asawa, anak

Mark Salanga, ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2018 11:12 PM

BACOLOD CITY - Kasalukuyang nakakulong ang isang lalaki matapos niyang pukpokin ng martilyo ang asawa at anak sa loob ng kanilang bahay.

Ayon sa suspek, umuwi siyang lasing noong Biyernes at dahil sa away nilang mag-asawa, para umano siyang nawala sa sarili at pinukpok ng martilyo ang asawa.

Hinampas rin niya ng martilyo sa ulo ang siyam na taong gulang na anak na lalaki.

Nakalabas na sa ospital ang kaniyang asawa habang ginagamot pa hanggang ngayon ang bata.

Sinampahan na ng pulisya ng kasong frustrated parricide ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.