Gusali, nasunog sa Cebu City

Aiza Layague, ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2018 06:53 PM

Isang gusali ang natupok sa sunog na sumiklab sa Barangay Tejero, Cebu City. Aiza Layague, ABS-CBN News

CEBU CITY - Isang gusali ang natupok sa sunog na sumiklab sa Barangay Tejero sa lungsod na ito Linggo ng hapon.

Agad na itinaas ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa ikatlong alarma ang sunog.

Ayun sa BFP, nagsimula ang sunog sa isang machine shop na pagmamay-ari ni Pablito Verdida.

Ayun sa trabahante na si Jackson Patrea, may inaayos siyang kotse nang biglang mag-spark ang extension cord kung saan nakasaksak ang gamit na grinder.

Sinubukan din umano niyang apulahin ang apoy sa pamamagitan ng fire extinguisher ngunit mabilis nang kumalat ang sunog.

Wala namang naitalang nasugatan sa sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.