Barangay chairman, sundalo, timbog nang makuhanan ng armas at droga

Cheche Diabordo, ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2018 09:46 PM

LUPON, Davao Oriental - Arestado ang tatlong lalaki matapos makuhanan ng mga armas at ilegal na droga sa isinagawang operasyon sa bayang ito Biyernes.

Kinilala ang mga suspek na sina Barangay Macangao chairman Erwin Barabag, PFC Rhean Baligwat at Em-Em Wenceslao.

Nakuha mula kay Barabag ang isang .45 caliber pistol, mga bala at tatlong sachet ng hinihinalang shabu.

Nakuha naman mula kay Baligwat ang isang fragmentation grenade, tatlong .45 caliber pistol, tatlong 9-millimeter pistol at mga bala.

Apat na sachet ng hinihinalang shabu rin ang nakuha mula kay Wenceslao.

Ayon kay Sr. Supt. Maximo Sebastian, kabilang si Barabag sa "narco-list" ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Illegal Possession of Firearms and Ammunition ang mga naaresto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.