3 patay sa karambola sa Zamboanga del Sur

ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2018 09:37 AM

Iniinspeksyon ng mga awtoridad ang lugar kung saan nagkarambola ang 7 sasakyan. Larawan mula sa Ramon Magsaysay police station

RAMON MAGSAYSAY, Zamboanga del Sur — Tatlo ang patay makaraang magbanggaan ang 7 sasakayan sa bayan na ito, Sabado ng hapon.

Ayon sa pulisya, nawalan ng preno at kontrol ang driver ng isang trailer truck na may kargang asukal nang magtangka itong i-overtake ang isang dump truck sa Barangay Esperanza.

Dahil dito, bumangga ang sasakyan sa dump truck, 3 pang kasalubong na trak, isang kotse at motorsiklo.

Agad namatay ang motorcycle rider, isang truck driver at isang pahinante.

Sugatan naman ang 5, kabilang ang driver ng trailer truck.

Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng trailer truck na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and multiple physical injuries.

Ulat ni Dynah Diestro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.