Presyo ng petrolyo tataas

ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2017 07:06 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Matapos ang dalawang linggong may kaunting bawas, muling magkakaroon ng dagdag-presyo ang mga produktong petrolyo. 

Maglalaro sa P0.40 hanggang P0.50 kada litro ang itataas sa presyo ng diesel at kerosene.

Nasa P0.30 hanggang P0.40 kada litro naman ang magiging dagdag-presyo sa gasolina sa susunod na linggo. 

Tinatayang dagdag-presyo sa susunod na linggo
Diesel - P0.40 - P0.50/litro
Kerosene - P0.40 - P0.50/litro
Gasolina - P0.30 - P0.40/litro

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.